top of page
Pasko? Oo, pasko!
Malamig ba ang simoy ng hangin? O sadyang matamlay lamang sa aking paningin? Noon, ang salitang ‘Pasko’ ay mula sa puso ng mga tao, Ngayon? Pawang ala-ala na lamang ang nananalaytay rito. Pang-araw-araw na pamumuhay, mahirap nang sadya. Dagdag mo pa ang mahirap na pakikibaka ng masa. Hindi naman sukatan sa dami ng maihahain sa hapag ang pagdiriwang na ito, Sabi ni Inay, ang kapatawaran at pagbubuklod ang siyang tunay na simbolo. Magkagayon man, likas na sa atin isantabi ang k
Dec 17, 20251 min read
Makikita sa Mata
Makikita sa mata ang mga bagay na hindi kayang tabunan ng talumpati. Kahit gaano karaming pangako ang ipaskil sa mga plakard, kahit gaano karaming salitang “para sa bayan” ang ulitin, hindi natatago ang sindak, pagod, at dismaya na unti-unting namumuo sa mga mata ng mamamayan. Sabi nga ng matatanda, “tignan mo sa mata, kung siya ay tunay ngang tapat at totoo.” Sa mata ng bata, makikita ang pagkalito kung bakit mas mabilis magpatayo ng billboard kaysa paaralan, kung bakit mas
Dec 2, 20252 min read
Mano po, Punong Mangga
Galing si Ilana sa eskwela, pagod ngunit nag-u-umapaw ang sigla. Banayad siyang naglakad hanggang sa bakuran ng kaniyang Lola at tumambay sa ilalim ng puno ng mangga. Huminto siya at isinandal ang noo sa katawan nito. "Salamat po sa lilim at bunga." bati niya sa matandang puno. Ito ang paraan niya ng pagma-mano sa puno. Doon niya iginugugol ang oras, ginagawa ang kaniyang mga assignment, minsan pa’y nakikinig sa huni ng mga ibon at dinadama ang simoy ng hangin. At kapag malap
Nov 26, 20251 min read
Pagkatapos ng Malakas na Ulan
Sabi nila, kapag umuulan, biyaya raw ito mula sa langit. Biyayang nagbibigay-buhay sa mga palayan, nagpapalamig sa nag-aalab na mundo, at nagpapahinga sa pagod na kaluluwa. Ang bawat patak ay tila musikang umaawit ng katahimikan sa gitna ng kaguluhan ng buhay. Sabi nga ni Asia’s Songbird Regine Velasquez, “Buhos pa ulan, aking mundo’y lunurin tuluyan.” At sa bawat bagsak ng patak, wari’y nilulunod tayo ng ulan sa alon ng damdamin — malamig, mapanatag, ngunit minsan ay mapana
Nov 11, 20252 min read
LAGDA
Ala-una na nang umaga, mga mata’y gising pa, naghahanap ng kasagutan kung ano nga ba ang katotohanan sa likod ng kasulatan na sa panaho’y naluma na. Patuloy kong tinatanong sa aking sarili kung ano nga ba ang halaga ng mga batis pangkasaysayan. Isa lamang itong papel — kulay sepya, at hindi na maaninag ang mga letra. Ngunit sa bawat guhit ng tinta, may kuwentong ayaw maglaho. Sa pagitan ng mga kupas na letra, tila may tinig na gustong magsalita. Minasdan ko ang kupas na pa
Nov 8, 20251 min read
bottom of page
.png)


.png)