LAGDA
- Nov 8, 2025
- 1 min read
Ala-una na nang umaga, mga mata’y gising pa, naghahanap ng kasagutan kung ano nga ba ang katotohanan sa likod ng kasulatan na sa panaho’y naluma na.
Patuloy kong tinatanong sa aking sarili kung ano nga ba ang halaga ng mga batis pangkasaysayan. Isa lamang itong papel — kulay sepya, at hindi na maaninag ang mga letra.
Ngunit sa bawat guhit ng tinta, may kuwentong ayaw maglaho. Sa pagitan ng mga kupas na letra, tila may tinig na gustong magsalita.
Minasdan ko ang kupas na pahina sa ilalim ng lampara. Lagda — iyon lamang ang gumugulo sa aking isipan. Isang pirma na pilit kong inaalala kung katotohanan nga ba, o kung kanino ito tunay na nagmula.
May bahid ng pagdududa sa isip ko. Totoo ba ito? O likha ng pandaraya?
Datapwat sa isip ko, hindi maiwasang magtanong — ano nga ba ang saysay ng lahat ng ito? Bakit kailangang aralin pa ang isang lumang papel, kung ang may-akda nito ay matagal nang nilamon ng lupa’t panahon?
At sa mga sandaling iyon, napagtanto kong minsan, ang mga lumang dokumento ay hindi lang piraso ng papel — sila ay salamin ng katapangan, ng nakaraan, at ng mga pusong minsan ding nag-alinlangan.
Akda ni Jennifer Licaros, Staff Writer
Paglalapat ni Janna Pelea, Literary Editor
.png)


.png)
Comments