top of page

“Walang malalim na salita”—Dr. Gopez

  • Dec 19, 2025
  • 1 min read

Binigyang-diin ni Dr. Christian P. Gopez ang kahalagahan ng pagdadalumat sa unang araw ng KABSULO 2025 noong Disyembre 15, sa CvSU-Imus Gymnasium.


Bilang isang susing tagapagsalita mula sa departamento ng Humanities and Social Science, tinalakay niya ang "Implikasyon at Diresyon ng Filipino sa Pag-usbong ng Makabagong Konsepto sa Pagdadalumat."


Aniya, wala umanong malalim na salita. Sa halip, nagiging mahirap o banyaga lamang ito dahil sa kakulangan ng paggamit at pamilyaridad dito.


Ang lalim ng isang salita ay ibinabatay sa antas ng kaalaman at karanasan sa paggamit ng wika, hindi sa estraktura nito.


"Naniniwala ba kayo na may malalim na salita?... dahil sa katotohanan lang ay walang malalim na salita... hindi malalim ang salita! Hindi lang natin kapanahon ang salita, kaya akala natin ito ay malalim," paglilinaw ni Dr. Gopez.

Sa pagtatapos, hinikayat ni Dr. Gopez ang mga mag-aaral na magdalumat—isang kasanayang maaaring linangin sa pamamagitan ng patuloy na paggamit at pag-unawa sa wikang Filipino. 


Ulat ni Jose Jamiro, Staff Writer


Recent Posts

See All

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
bottom of page