top of page

CvSU Imus, ipinakita ang kahusayan sa sining pampanitikan; EdGE at CYLE, nasungkit ang korona sa Siklabuhay 2026

  • Mar 19
  • 2 min read

Ipinagpatuloy ng Cavite State University Imus Campus (CvSU Imus) ang ikalawang araw ng Local Culture and Arts Festival (LCAF) 2026 na may temang "Sining ng Bayan: Tulay ng Kahapon sa Bukas," Miyerkules, Marso 18.


Mula sa pagpapakita ng kani-kanilang angking kahusayan sa sining pampanitikan hanggang sa pinaka-inaabangang koronasyon ng Lakan at Lakambini ng Siklabuhay para sa ngayong taon, ipinamalas ng mga bayaning Kabsuhenyo ang kanilang kasanayan at talento.


Sa kategorya ng deklamasyon, nakamit ni Graze Camille S. Coliflores ng kursong BSEE ang kampeonato pagkatapos niyang ipakita ang kanyang galing sa deklamasyon na may 97% na puntos. Sinundan ito ng mga mag-aaral mula BAJOURN na sina Jinky Rose M. Alaso na nagtamo ng 93.67% na puntos at Avelina Rose D. Salas na nakamit ang 92% na puntos. 


Samantala, ang paggawad ng karangalan sa mga nagwaging kalahok ng Pagsulat ng Sanaysay at Essay Writing ay gaganapin sa Lunes, Marso 23.  


Ginanap naman kinahapunan ang Siklabuhay na nagsimula sa pagkilala sa mga kinatawan ng iba't ibang organisasyon na lumahok ngayong taon. Ito ay sinundan ng pagtatanghal ng mga nagwagi sa mga karagdagang parangal kung saan nangibabaw ang mga kinatawan ng Cavite Young Leaders for Entrepreneurship (CYLE). Samantala, ang mga pangunahing parangal ay pinangunahan ng Circle of Hospitality and Tourism Students (CHATS) na sinundan ng Cavite Young Leaders for Entrepreneurship (CYLE). 


Ang Top 5 finalists ay pinangunahan nina Emilio Travis Hizo at Marielle T. Paraon ng Young Office Professional Advocates (YOPA), na sinundan nina Joseph Uno T. Sarenas (CHATS) at Jennifer Audrey F. Mendoza (CYLE), Khent Andrei M. Solomon (CYLE) at Zoe Crizzle B. Consunji (SINAG-TALA), Christian Anthony A. Caramonte (EdGE) at Jamaica Eva (CHATS), na siya namang niwakasan nina Xion Miguel O. Soriano (CSC) at Jasmine France B. Borja (EdGE).


Pagkatapos ng pag-anunsyo ng finalists para sa huling yugto ng Siklabuhay ay nagkaroon ng “final walk” ang mga lumahok at nanalo sa nakaraang taon. Ito ay sinundan ng Q&A kung saan ipinakita ng bawat kalahok ang kanilang talino at kahusayan sa pagsagot ukol sa tema ng LCAF 2026.


Matapos ang isang hapon ng matinding pasiklaban sa talino, tindig, at adbokasiya, tinanghal bilang Lakan at Lakambini ng taon sina Christian Anthony A. Caramonte ng (EdGE) at Jennifer Audrey F. Mendoza ng (CYLE) noong Marso 18, 2026, sa CvSU Imus Campus Gymnasium.


Samantala, kinilala rin ang ibang kalahok sa iba't ibang parangal; 


Lakan at Lakambini ng Tubig:

 Xion Miguel O. Soriano (CSC) 

 Marielle T. Paraon (YOPA)


Lakan at Lakambini ng Apoy:

Khent Andrei M. Solomon (CYLE)

Jamaica Eva (CHATS)


Lakan at Lakambini ng Lupa: 

Emilio Travis Hizo (YOPA)

Zoe Crizzle B. Consunji (SINAG-TALA)


Lakan at Lakambini ng Hangin:

Joseph Uno T. Sarenas (CHATS)

Jasmine France B. Borja (EDGE)


Aabangan naman ng mga bayaning Kabsuhenyo ang Battle of the Bands (BTOB) sa huling araw ng LCAF 2026, Huwebes, Marso 19, na gaganapin sa CvSU Imus Campus Gymnasium.


Ulat ni Joev Ej Reyes, Manunulat


Recent Posts

See All

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
bottom of page