“Utang na loob, wag mo namang kalimutan ang wika natin”—Prop. Matilla sa KABSULO 2025
- Dec 19, 2025
- 1 min read
Inilahad ni Propesor Marilou S. Matilla ang pang-araw-araw na kahalagahan ng wikang Filipino sa pagbubukas ng KABSULO noong Disyembre 16, sa CvSU-Imus Gymnasium.
Ipinakilala niya ang estado ng wikang Filipino sa kasalukuyan bilang isang disiplina at identidad sa globalisasyon na humuhubog sa isang tao. Ito ang ugat ng pagkakakilanlan ng isang nasyon.
Katuwang nito ang payo tungkol sa tamang paggamit ng wikang banyaga.
"Ilagay sa lugar ang paggamit ng wikang banyaga. Talent mo na 'yon, kagalingan mo na 'yon! Pero utang na loob, wag mo namang kalimutan ang wika natin," saad ni Prop. Matilla.
Sa huli, nagtapos siya sa katagang, "Wikang Filipino, noon, ngayon, magpahangang sa habang panahon!"
Ulat ni Jose Jamiro, Staff Writer
.png)


.png)
Comments