“Nababago ang mundo, nababago ang problema” —Dr. Reyes sa KABSULO 2025
- Dec 19, 2025
- 1 min read
“Nababago ang mundo, nababago ang problema. Pero ang problema, hindi nakikita ang problema. Sapagkat hindi mo nakikita ang problema, sa malamang, hindi mo makikita ang solusyon,” ito ang sinabi ni Dr. Pedro Jun Cruz Reyes sa kaniyang talakayan bilang huling tagapagsalita sa KABSULO 2025, noong Disyembre 16 sa CvSU-Imus Gymnasium.
Ipinaliwanag ni Dr. Reyes na sa patuloy na pagbabago ng lipunan, maraming suliranin ang nananatiling hindi napapansin at nauunawaan. Nabanggit din niya ang mga problemang dulot ng globalisasyon at neoliberalism na humuhubog sa mga karanasan at isyung panlipunan.
Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng isyung panlipunan sa pagsusulat bilang bahagi ng pambansang alaala.
“Kung ano ang nakikita niyo sa bahay niyo, iyon ang itatala niyo. Kaya umpisahan niyo na kung ano ang nakikita niyong problema, ’yon ang magiging bahagi ng national memory,” ani Dr. Reyes.
Hanggang sa pagtatapos ng kanyang diskusyon, patuloy niyang itinatak ang nasabing problema: “Uulit-ulitin ko na ’yung problema, kapag hindi mo nakita, hindi mo naiintindihan, hindi mo ’yan lulutasin. Dahil hindi mo ’yan lulutasin, magiging normal ’yan.”
Ulat ni Danna Kurt Sahagun, Staff Writer
.png)


.png)
Comments