top of page

Pagtalon sa Bagong Taon

  • Feb 21
  • 1 min read

Mayroong pamahiin tuwing papasok ang bagong taon.

Sabi nila, kailangan mo raw tumalon.

Sa pag-angat ng dalawang paa, mga pailaw sa kalangitan ang bubungad.

Sa pagyabag mula sa pagkakabagsak, lupa’y saksi sa pagnanais na tumangkad.


Nais ko rin ibigay ang bigat sa hangin.

Hahayaan kong damhin ang bawat pasanin.

Kasabay ng bawat talon ang pag-angat ng mga pangarap,

Sumabay ang pagnanais na maabot ang alapaap.


Nawa'y maabot ang tayog na aking hangad,

Sana'y humaba pa ang biyas nang malayo pa ang malakad.

Manyaring lumapad ang kamay nang masambot mga biyayang magbibigay galak,

Hangad ang paglawak ng balikat nang mapasan ang bigat kung sakaling lalagpak.


Pamahiin tila’y hindi lamang hangad ang simpleng pagtangkad.


Akda ni Mary Ann Bernido, Staff Writer

Recent Posts

See All
In the loving memory of a losing spark,

Nothing feels more sorrowful than living with a passion that is slowly slipping through one’s fingers. It is worse than mourning the dead, because the loss does not rest—it lingers, it breathes. It re

 
 
Toy Store

We’re still kids acting like mature adults for the younger ones. Who else would they look up to but us? Chatter fills the aisles as I navigate through the unrest of malls. Instinctively enamored by th

 
 

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
bottom of page