top of page

𝐌𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐀𝐒𝐬𝐚𝐦𝐚

  • Mar 10
  • 1 min read

π™π™£π™–π™£π™œ 𝙖𝙧𝙖𝙬 π™£π™œ π™₯π™–π™ π™žπ™ π™žπ™¨π™–π™’π™–


Di-hamak na labis ang saya;

ako’y hinirang, itinanghal na tila tala.

Porma’y tuluyang inayos, hinubog ang diwa,

sa pag-asang ako’y makasama.


π™π™£π™–π™£π™œ 𝙗π™ͺ𝙬𝙖𝙣 π™£π™œ π™₯π™–π™ π™žπ™ π™žπ™¨π™–π™’π™–


Di-hamak na ang mundo ko’y nag-iba,

lalo pa’t unti-unti kitang nakilala.

Dating tindig ay aking iniba,

lahat maibigay lamang upang makisama.


π™π™£π™–π™£π™œ 𝙩𝙖𝙀𝙣 π™£π™œ π™₯π™–π™ π™žπ™ π™žπ™¨π™–π™’π™–


Di-hamak na nasilaw sa liwanag mong dala,

unti-unti akong nawala.

Sariling tinig ay natahimik na,

tuluyang isinuko ang tama sa ngalan ng pakikisama.


𝙃π™ͺπ™‘π™žπ™£π™œ 𝙖𝙧𝙖𝙬 π™£π™œ π™₯π™–π™ π™žπ™ π™žπ™¨π™–π™’π™–


Di-hamak na may ngiti pa ring nadama habang kasama ka;

mga kuwentuhang masaya na siyang pansamantalang payapa.

Ngunit bakit sa salamin ay ibang "ako" ang nakita?

Ang dating mapayapa ay napasama.


Di-hamak na tunay nga,

at aking aminadong nadarama;

na hindi lahat ng pagsasama ay may dulot na maganda.


Kaya ngayon na haharap muli sa madla,

aking napagtanto na…


π™ˆπ™–π™¨π™–π™’π™– π™§π™žπ™£ π™₯𝙖𝙑𝙖 π™–π™£π™œ π™’π™–π™ π™žπ™¨π™–π™’π™–. [F]


Isinulat ni Leonora

Guhit ni miospring


Recent Posts

See All
In the loving memory of a losing spark,

Nothing feels more sorrowful than living with a passion that is slowly slipping through one’s fingers. It is worse than mourning the dead, because the loss does not restβ€”it lingers, it breathes. It re

Β 
Β 
Pagtalon sa Bagong Taon

Mayroong pamahiin tuwing papasok ang bagong taon. Sabi nila, kailangan mo raw tumalon. Sa pag-angat ng dalawang paa, mga pailaw sa kalangitan ang bubungad. Sa pagyabag mula sa pagkakabagsak, lupa’y sa

Β 
Β 
Toy Store

We’re still kids acting like mature adults for the younger ones. Who else would they look up to but us? Chatter fills the aisles as I navigate through the unrest of malls. Instinctively enamored by th

Β 
Β 

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
bottom of page