“Isulat ang mga hindi kayang isulat ng iyong panahon”—Prop. Atalia sa KABSULO 2025
- Dec 19, 2025
- 1 min read
Nagsilbing ikatlong pangunahing tagapagsalita si Propesor Eros S. Atalia sa pagbubukas ng ikalawang araw ng KABSULO, noong Disyembre 16 sa CvSU-Imus Gymnasium.
“Walang formula sa creative writing,”ani ni Prop. Atalia, subalit nararapat umano para sa mga manunulat na magkaroon ng malinaw na mga layunin kung bakit siya nagsusulat, para kanino siya nagsusulat, at kung bakit ito dapat basahin ng mga mambabasa.
Binigyang-diin din niya ang prinsipyo ng "show, don’t tell," kung saan mahalagang ipakita ng manunulat ang damdamin sa pamamagitan ng mga tagpo, detalye, at imahen sa halip na tuwirang sabihin ang emosyon, upang mas maramdaman at maunawaan ito ng mambabasa.
Sa huling bahagi ng kanyang diskusyon, hinimok ni Prop. Atalia ang mga manunulat na magsulat para sa tinig ng kanilang panahon:
"Isulat ang mga hindi kayang isulat ng iyong panahon at isulat ang mga bagay na ayaw isulat ng iyong panahon, dahil baka iyon ang tinig ng iyong panahon."
Ito ang kaniyang mga tinalakay sa ilalim ng paksang “Pagbabagong Anyo ng Masining na Pagpapahayag tungo sa Mabisang,” para sa ikatlong yugto ng KABSULO.
Ulat ni Danna Kurt Sahagun, Staff Writer
.png)


.png)
Comments