CvSU Imus, sinimulan ang LCAF 2026; kinilala mga unang nagwagi
- Mar 17
- 2 min read
Minarkahan ng Cavite State University Imus Campus (CvSU Imus) ang unang araw ng Local Culture and Arts Festival (LCAF) 2026 na may temang "Sining ng Bayan: Tulay ng Kahapon sa Bukas,” ngayong Martes, Marso 17.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng paunang panalangin, na sinundan ng pambungad na pananalita at inspirasyonal na mensahe nina Central Student Government (CSG) Advisers Bb. Jenny Danica Abayari at Dr. Alfe M. Solina, at awiting pagtatanghal mula sa Sinag-Tala Performing Arts Group.
Sa pagpapatuloy ng programa, ipinamalas ang kahusayan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang larangan ng sining kung saan kalaunan ay inanunsyo ang mga nagwagi sa bawat kategorya ng patimpalak.
Sa larangan ng musika, nasungkit ni Aaliyah Neri ng BS Hospitality Management (BSHM) ang kampeonato sa Pop Solo, sinundan ni Kimberly Timbal ng BS Business Administration-Major in Marketing Management (BSBA-MKTG) sa unang parangal, at ni Jannah Miraballes ng BA Journalism (BAJOURN) sa ikalawang parangal.
Gayundin sa Vocal Duet, itinanghal bilang kampeon sina Danielle Ann Dela Cruz at Ellaiza Christallie Pantoja mula sa BAJOURN, pumangalawa sina Sandara Torres ng BS Information Technology at Vera Mae Edradan ng BS Business Administration-Major in Operation Management (BSBA-OMGT), habang pumangatlo sina Precious Mae Ordoyo ng BS Entrepreneurship (BSENT) at Aldrhein Lheila Castroñero ng Bachelor of Elementary Education.
Sa larangan ng sining pagtatanghal, nagkampeon ang Sinag-Tala Performing Arts Group sa Radio Drama para sa dulang “Kadena ng Kahapon,” na itinanghal nina Loraine Rose G. Javien, Ezra A. Dela Providencia, Gabbrielle Ayana R. Quilaton, at Clyde R. Ranis.
Sinundan ito ng BAJOURN sa unang puwesto para sa dulang “Shift ng Buhay,” na ipinamamalas nina Kathleen M. Calixtro, Ralph Clarenze A. Co, Justin T. Dalida, Shaina Fe R. De Guzman, at Jhon Carl B. Timon.
Samantala, ikalawang puwesto ang nakamit nina Eury A. Gawiran, Micleian E. Illustrismo, Mary Grace V. Largabo, Sidney Juliana U. Mangakoy, at Nesthia A. Medina (BAJOURN) para sa dulang “Hilom.”
Pangatlong puwesto naman ang nakamtan nina Rachelle Ann B. Arsolon, Kyle Casey B. Neri, Shane Chlouie C. Orense, Shakira Lee C. Reputas, at Joev Ej R. Reyes (BAJOURN) sa kanilang piyesang “Huling Liham.”
Sa larangan ng biswal na sining, itinanghal na kampeon si Nixelle Joy M. Dimalanta ng BS Psychology (BSPSYC) sa Live Painting — na sinundan ng mga kapwa estudyante sa parehong programa — sina Mary Eunice D. Ramos para sa ikalawang puwesto at Phebe Princess M. Mejia sa ikatlong puwesto.
Muli namang nagwagi si Jeric L. Guita ng BSHM sa Photo Contest, habang pumangalawa si Anthony M. Cosculla at pumangatlo si Chamea T. Tacayon mula sa BAJOURN.
Bilang karagdagan, nagwagi si Jade Marie Vasquez (BSPSYC) sa Pencil Drawing, na sinundan nina Justine Comparatibo at Liberty Dela Cruz (BAJOURN) sa ikalawa at ikatlong puwesto.
Samantala, nasungkit ni Wendelyn Pizon (BSBA) ang kampeonato sa Charcoal Rendering, habang nakuha nina Francis Joy Ladiana (BSENT) ang ikalawang puwesto at Gabriel Jun Limon (BSBA-OMGT) ang ikatlong puwesto.
Ang unang araw ng LCAF ay nagsilbing entablado ng mga bayaning Kabsuhenyo upang maipamalas ang kani-kanilang talento sa larangan ng musika, sining pagtatanghal, at biswal na sining.
Aabangan sa susunod na araw, Marso 18, ang pagtatanghal sa sining pampanitikan (pagsulat ng sanaysay, essay writing, at deklamasyon) at ang koronasyon ng Lakan at Lakambini ng Siklabuhay. [F]
Ulat ni Danna Sahagun, Manunulat
.png)


.png)
Comments