Bago't Bago
- Oct 20, 2025
- 1 min read
Updated: Oct 31, 2025
Gigising na hindi pamilyar at malayo sa pagkakakilanlan ang dadaluhang paaralan. Kabado ngunit nangingibabaw ang kagustuhang matuto. Ilang tulog na nga ba ang isinakripisyo at dasal ang isinapuso para matawag na iskolar ng bayang ito? Walang masyadong kakilala at sumapaw pa ang mainit na klima. Basa ang likod ng mga butil ng pawis, bitbit pa mula sa nakaraang semestre ang bigat at pait.
Ganito nga ba maging isang ganap na iskolar ng bayan? Ang dami pa rin palang nakaantabay na kabayaran.
Hindi namalayan sa umpisa na kailangan palang gumastos sa mga gawaing pang-eskwela. Sa isang institusyon na libre at hindi na mabilang pa ang dapat isipin, saan ako dudukot para may pangtustos sa pag-aaral? Paano ko mapapalaki ang aking bulsa? Gaano pa karami ang hihingin, sisingilin, at kakailanganin kong asahan—mula umpisa hanggang sa pagkamit ng diploma?
Kung kaya’t mananatiling isang malaking katanungan, kailangan pa rin bang maging alipin ng salapi? Kahit pa ako’y nasa laylayan—hanggang kailan ang aking pagtitimpi?
Akda ni Anton Cosculla, Staff Writer
.png)


.png)
Comments