top of page

Ang Multo ng Liwasan

  • Nov 7, 2025
  • 1 min read

Sabi nila, tuwing sasapit ang alas-siyete,

may umiiyak sa pasilyo ng CvSU Imus. 

Duguan, walang imik, may karatulang bitbit-bitbit.“Hustisya” ang sabi, at ang hangin, tila nagdarasal ng tahimik.


Una’y bulong lang sa dilim,

hanggang sa boses na pa-akyat sa hangin,

“Yael…”tunog ng ngipin sa lamig,tunog ng kaluluwang hindi matahimik.


Sa salamin, may aninong nakamasid.mga matang walang luha ngunit puno ng hinagpis.ang buhok ay basa,ang labi’y may dugong bakas ng sigaw, wala nang pag-asa..


Kinabukasan, sabi ni Kel,

“Pare, may multo raw sa campus, dating Journ student. Monica Filomina.”aktibista.sumama sa rally sa Maynila.tatlong taong nawala,at hanggang ngayon, boses lang ang natira.


Sa bintana’y nakalingon—naroon siya, hawak pa rin ang karatula.sa dugo’y nakasulat, “Bakit kayo tahimik?”at ang hangin, tila pumapalakpak ng malamig.


Gabi. umuulan.

nag-iisa ako sa pasilyo.mula sa dilim, lumapit siya—maputla, basang-basa, humihinga ng dahan-dahan.


“Hindi natatapos ang laban sa katahimikan,”bulong niya habang kumikislap ang kidlat sa labasan.

pagkurap ko—wala na.pero sa sahig, may papel na basa

“Manindigan. Bukas. UP.”at sa dulo, may pirma. tanda ng paninindigan niya. 


Kinabukasan,

nasa kalsada ako bitbit ang plakard, basang-basa sa ulan.

“Para sa Bayan! Para sa Katotohanan!”sigaw ng libo. Sigaw ng diwa.


At doon ko siya muling nakita,nakangiti, hawak ang karatulang“Ipagpatuloy mo.”

paglingon ko, wala na siya.ngunit sa lupa, may iniwang mensahe,

Salamat. Nakamit na rin ang hustisya.


Ngayon, tuwing alas-siyete,

kapag tahimik na muli ang CvSU,

naririnig pa rin sa hangin ang kanyang tinig—banayad, ngunit nakakakilabot:

“Sa liwanag ng umaga, doon nagigising ang katotohanan.”

At kahit madilim,hindi na ako natatakot.

dahil minsan, ang multo sa pasilyo—hindi para manakot,kundi para magmulat sa mga kurakot.


Akda ni Nesthia Medina, Staff Writer

Dibuho ni Elesi, Cartoonist


Recent Posts

See All
In the loving memory of a losing spark,

Nothing feels more sorrowful than living with a passion that is slowly slipping through one’s fingers. It is worse than mourning the dead, because the loss does not rest—it lingers, it breathes. It re

 
 
Pagtalon sa Bagong Taon

Mayroong pamahiin tuwing papasok ang bagong taon. Sabi nila, kailangan mo raw tumalon. Sa pag-angat ng dalawang paa, mga pailaw sa kalangitan ang bubungad. Sa pagyabag mula sa pagkakabagsak, lupa’y sa

 
 

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
bottom of page