top of page

KWF Diksiyonarong Dihital — Para sa Pilipino!

  • Feb 21
  • 2 min read

Kung ang isang salitang Ingles ay tila napakadaling hanapan ng kahulugan sa iba’t ibang dihital na sanggunian, hindi rin nagpahuli ang Komisyon sa Wikang Filipino at hinandugan din ang mga Pilipino ng sariling talahuluganan—ang KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino.


Madalas na "Google Translate" ang inaasahan ng mga estudyante sa paghahanap ng kahulugan ng isang salitang Filipino, at hindi pa sigurado kung tama ang pagsasalin nito. 


Hindi ito gaya ng sa wikang Ingles, kung saan may mga napagkakatiwalaang plataporma’t madaling magamit, gaya ng 'Merriam-Webster Dictionary' at 'Oxford Dictionary'.


At dahil mayroon nang KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino — KWF Diksi kung paikliin — ay abot-daliri na ang pagkatuto sa mga terminolohiyang Filipino na mapagkakatiwalaan sapagka't mismong Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na mismong dalubhasa sa wika ang naglunsad nito.


Hindi lamang ito pagpapadali sa pagpapaunawa ng kahulugan, bagkus ito rin ay isang hakbang upang hindi lang mas mapayabong pa, kundi para mas mapalalim ang pagtangkilik ng ating mga kababayan sa wikang Filipino.


Lalo pa't ilang pagsubok na ang naranasan ng ating wika—mula sa pagpapabawas ng asignaturang Filipino sa kolehiyo at sa balak na pag-alis nito sa mga mataas na paaralan.


Higit pa rito, mahigit sa 30,000 ang mga salitang nakabatay sa Ortograpiyang Pambansa na paniguradong magsisilbing malaking tulong sa ating mga pagbabaybay.


At hindi lamang sa pagbabaybay ito nakakahasa ng kaalaman sa wika, kundi pati na rin sa tamang paggamit ng salita, etimolohiya, pagbibigay ng halimbawang pangungusap at iba pa na makikita sa isang maayos na diksiyonaryo.


Mas maliliwanagan at masasanay ang mga Pilipino sa tamang paggamit ng mga salita, gaya ng “Nang”, “Ng”, “Daw”, at “Raw”.


Sa pamamagitan ng aplikasyon ito, ay matututo ang marami, lalo na ang mga mag-aaral na Pilipino, at mas lalo pang maintelektwalisa ang ating wikang pambansa.


Sa isang pindot, mas napapalapit tayo sa mas malalim na pag-unawa sa sarili nating kultura at kasaysayan, at sa wikang tunay na atin.


Ito ay isang tagumpay para sa ating kultura't wika. Sapagka't mayroon na tayong Diksiyonaryong Dihital sa wikang Filipino na para sa mamamayang Pilipino.  


Ang KWF Diksi ay makikita sa Google Play at Apple App Store, at maaari itong i-download nang libre. [F]


via Jannah Miraballes, Staff Writer


Recent Posts

See All
Hidden in the Racks

On a random street corner in the Philippines, beneath faded tarpaulins and handwritten “₱50 SALE” signs, entire universes of style quietly wait inside cramped ukay-ukay shops. Ukay-ukay, derived from

 
 
The Booths That Stand Tall

It's crowded—the students’ voices are loud, and tables have been turned into booths to satisfy the crowd. The aroma of food drifts through the air as a crowd forms around display after display. To mos

 
 

Comments


Commenting on this post isn't available anymore. Contact the site owner for more info.
bottom of page